sang hamak na manunulat na parating lutang ang isip. Parating may mental block. Naniniwala siyang minsan ay may nakatabi na siyang isang alien. Naniniwala rin siyang noong past life niya ay isa siyang cactus na nasa paso. Isa sa mga hobbies niya ay ang magbura ng mga text messages sa kanyang bukbuking cellphone. Paborito niyang kumain ng gummy candies. Marunong siyang magbasa ng sanskrit kapag tulog. Mahilig din siyang magluto ng walang lasa. Isang katangian niya ay ang pagiging tahimik na kapag nag-uumpukan kayo ay hindi mo mapapansin na naroon siya dahil paborito niyang superhero si Invisible Man. Kapag wala siyang kasama sa mga lakad niya ay asahan mo nang mawawala siya. Sumali siya minsan sa isang ballet dance workshop pero napatalsik din nang pilayan niya ang isang ballerina dahil nasipa siya nito. Napurnada tuloy ang pangarap niyang maging isang swan. Ngayon nga ay isa na siyang flamingo.
jaechan is 15 years old.